Pagtaas ng presyo ng bilihin sa sari-sari stores, higit 4% na mas mabilis vs datos ng PSA –research

Pagtaas ng presyo ng bilihin sa sari-sari stores, higit 4% na mas mabilis vs datos ng PSA –research

BATAY sa pag-aaral ng packworks katuwang ang sociocultural research firm na Fourth wall, nakita nila ang 15.62% na average increase sa mga presyo sa mga produkto sa mga sari-sari store nitong Enero.

Ito ay 4.4% na mas mataas kaysa sa food inflation rate sa kaparehong buwan ng Philippine Statistics Authority.

Tulad na lamang ng mga ready-made food, nagtala ito ng 16.9% na pagtaas sa presyo na higit 7.7% na mas mataas kumpara sa datos ng PSA.

Sinusundan ito ng mga dairy products at itlog, at mga cereal, na higit na mas mataas ng 5% kumpara sa PSA data.

Sinabi ng packworks na ang mga may-ari ng tindahan ay napipilitang itaas ang kanilang mga mark-up at profit margin sa gitna ng mga supply issue sa food industry tulad na lamang ng kakulangan sa itlog dahil sa bird flu.

Ayon kay John Brylle Bae, research director ng Fourth wall, mahalagang malaman ng mga mamimili ang mga pagkakaibang ito dahil ang mga produkto na may mataas na inflation rate sa mga sari-sari store na lagpas sa datos ng PSA ay ang karaniwang kinokonsumo rin ng mga nasa lower class.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter