Isang criminal offense ang pagpapakita ng pekeng vaccination card.
Ito ang inihayag ni Atty. Zona Russet Tamayo, Land Transportation Franchising and Regulatory Board-National Capital Region (LTFRB-NCR) regional director kaugnay ng “No Vaccination, No Ride” policy.
Ayon kay Tamayo, itinuturing ang local government unit-issued vaccine card o duly-signed medical certificate bilang public documents at posibleng mahaharap sa kaso ang mga biyahero na magpapakita ng pekeng vaccine cards o medical certificates.
Dahil dito, pinaalalahanan nito ang publiko na iwasan at huwag gumamit ng pekeng vaccination card.
Patuloy din ang panawagan ng LTFRB sa mga driver, operator lalong-lalo na sa mga biyahero o pasahero na suportahan, makipagtulungan at tumugon sa “No Vaccination, No Ride” policy.
Mag-dedeploy din ang Department of Transportation (DOTr) ng “mystery passengers” sa pampublikong transportasyon para bantayan ang pagpatutupad ng nasabing polisiya.