Pagpapalakas ng koordinasyon sa paghahanda sa kalamidad, layunin ng OCD sa pagbisita sa NOLCOM

Pagpapalakas ng koordinasyon sa paghahanda sa kalamidad, layunin ng OCD sa pagbisita sa NOLCOM

BINISITA ni Asec. Bernardo Rafaelito R. Alejandro IV, Deputy Administrator for Operations ng Office of Civil Defense (OCD) ang Northern Luzon Command (NOLCOM) AFP.

Ito’y upang mapalakas pa ang koordinasyon at matukoy ang maaaring maging strategic military bases para sa mga warehouses na nakalaan para sa Humanitarian Assistance and Disaster Response Operations (HADRO).

Mainit naman itong tinanggap ng NOLCOM commander kasama ang Command Staff.

Kung matatandaan, ang Northern Luzon ang madalas na dinadaanan ng bagyo dahil sa geographical location nito sa Northwestern Pacific Basin.

Kaya ayon sa OCD na marapat lang na ito’y paghandaan upang masiguro ang kaligtasan ng komunidad sa panahon ng sakuna.

Malaki naman ang pasasalamat ni Asec. Alejandro sa buong NOLCOM dahil sa walang sawang suporta nito at pakikipagtulungan sa OCD upang mapabuti pa ang kanilang disaster response capabilities sa buong rehiyon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter