MALUNGKOT na pasalubong para mga magbababoy, magpapalay at magmamais ang extension ng EO No. 171 at No. 10 ayon kay AGAP Party List Rep. Nicanor Briones.
Ang EO No. 171 ay ang temporaryong pagbabawas ng taripa.
Habang ang EO No. 10 naman ay ang ipinapataw na mababang taripa kung mag-aangkat ng karne ng baboy, bigas at mais.
Kaugnay nito ay malaking tulong para kay Briones ang magkaroon din ng malaking pondo na tututok para sa sektor ng agrikultura.
Matatandaang pirmado na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang EO No. 171 alinsunod sa rekomendasyon ng National Economic and Development Authority (NEDA).
Magtatapos hanggang katapusan ng 2023 ang murang taripa na ipapatong sa produktong karne ng baboy, mais, bigas at karbon.
Dahil dito, ikinadismaya rin ito ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) kung saan sinabi nito na tanging importer at trader lang ang nakakabenepisyo sa pagpapalawig.