ISA sa tutukan ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo ang pagpapanumbalik ng tiwala ng mamamayan sa pamahalaan.
Ito ang kanyang sinabi sa ginanap na KBP Presidential Forum kung sakaling mailuklok sya sa pwesto bilang presidente ng Pilipinas.
Maliban pa dito ay ang pagbibigay proteksyon ng mga maliliit na mga negosyo, pagpapahinto ng labor discrimination, pagpapaunlad ng unemployment insurance, pagpapalawak ng 4Ps, at pagkakaroon ng food banks o community kitchen sa bawat barangay sa buong bansa.
Isusulong din ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) at tutugunan ang pangangailangan ng mga komunidad laban sa insurhensiya.
Sinabi pa ni Leni na suportado din nito ang AFP modernization plan ng pamahalaan.
10-point agenda sakaling maging pangulo ng bansa, inilahad ni Isko Moreno
Samantala, inilahad naman ni Manila Mayor at Presidential Aspirant Isko Moreno ang kanyang magiging programa sa bansa sakaling mahalal bilang pangulo.
Sa kanyang ten-point agenda na inilabas sa ginanap na KBP Presidential Forum ngayong araw, numero uno nyang tutukan ang pabahay sa bansa.
Pangalawa ang edukasyon, pangatlo ang pagkakaroon ng mas maraming labor at employment opportunity.
Sinundan ito ng aspeto sa kalusugan, 2-fold increase sa turismo; pagtatayo ng mas pinaraming imprastraktura; pagpapaunlad sa digital industry ng bansa; at pagpapalakas ng agriculture sector.