Pagpapatuloy sa nasimulan ni PRRD, malaking impact sa kandidatura ng UniTeam – Publicus Asia

Pagpapatuloy sa nasimulan ni PRRD, malaking impact sa kandidatura ng UniTeam – Publicus Asia

MATAAS ang approval at trust rating ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kahit patapos na ang termino nito.

Ibig sabihin, mayorya sa mga Pilipino ay gusto si Pangulong Duterte at nagnanais ang mga ito na maipagpatuloy pa ang positibong nasimulan ng kasalukuyang administrasyon.

Sa panayam ng SMNI News kay David Yap, ang Chief Data Scientist ng Publicus Asia Inc., sinabi nito na ito ang dahilan kung bakit mataas ang preference rate ng UniTeam sa kanilang mga survey results.

Nakita ng mga tao na may malaking interes sina presidential candidate Bongbong Marcos at vice presidential candidate Mayor Inday Sara Duterte na ipagpatuloy ang mga ito.

Ani David, wala ring ibang kumakandidato na consistent at hayagang nagsasabi na ipagpapatuloy ang mga nasimulan ni PRRD maliban sa UniTeam.

Sa latest result, 57% ang nakuhang preference rate ni BBM habang 59% naman kay Inday Sara.

Follow SMNI NEWS in Twitter