Pagpatay at pagbabanta sa mga abogado, kabilang sa prayoridad na imbestigahan ng NBI

Pagpatay at pagbabanta sa mga abogado, kabilang sa prayoridad na imbestigahan ng NBI

TINIYAK ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago sa Integrated Bar of the Philippines na kabilang sa magiging prayoridad ng kaniyang liderato ang pagresolba sa mga kaso ng pagpatay sa mga abogado.

Samantala, bukod sa paglutas sa kaso ng pagpatay ay bibigyan din ng NBI ng seguridad ang mga abogado na may matinding banta sa buhay dahil sa mga kasong hinahawakan.

Kaugnay rito’y bibigyang pansin din ang mga nagpapanggap o mga pekeng abogado na kadalasan ay nagnonotaryo pa, na nakakasira sa dignidad ng mga lehitimong abogado.

Si Santiago ay naging abogado, piskal at judge bago siya itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr sa NBI.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble