Pagpili ng susunod na PNP Chief, solong desisyon ng Pangulo—DILG

Pagpili ng susunod na PNP Chief, solong desisyon ng Pangulo—DILG

NASA kamay pa rin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpili ng susunod na PNP Chief.

Ito ang paliwanag ni Interior Secretary Benhur Abalos Jr. sa panayam ng media sa Muntinlupa City.

Ayon kay Abalos, tanging ang Pangulo lamang ang may kapangyarihan magdesisyon kung palalawigin pa ba nito ang termino ng hepe ng pambansang pulisya o papalitan na ito.

Para naman sa kalihim, may sarili siyang nais imungkahi bukod kay General Benjamin Acorda Jr. ngunit mananatili lamang ito na suhestiyon.

Para sa kaniya, resulta pa rin ang pinakaimportante bilang pinuno ng pulisya para ito’y manatili sa posisyon o iluklok sa pinakamataas na puwesto ng organisasyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble