TINATAWAG ng United Nations (UN) na “Weapon of War” ang ginagawa ng Israel hinggil sa patuloy na pang-aatake nito sa Gaza at pagharang sa mga humanitarian aid na makapasok dito.
Sa ngayon ay tinatayang nasa 300-K katao sa Northern Gaza ang makararanas ng tag-gutom sa buwan ng Mayo.
Mula rito, posibleng ikamamatay ang tag-gutom ng 200 katao kada araw.
Sa huli, umaapela ang UN na magkaroon na ng agarang ceasefire at palayain na ng Hamas Militant Group ang mga hostage nila lalong-lalo na ang mga Israeli.