Pagpuna ni Pastor ACQ kay Baguio City Mayor Magalong kaugnay sa CTGs, hindi personal

Pagpuna ni Pastor ACQ kay Baguio City Mayor Magalong kaugnay sa CTGs, hindi personal

NILINAW ni Pastor Apollo C. Quiboloy na hindi personal ang kanyang naging pahayag laban kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong hinggil sa pagkakasangkot umano nito sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

‘’Walang personalan dito, wag kayong umalma na personalan itong sa amin, maliwanag itong sa amin, wala kaming tinitirang personal na tao,’’ ayon kay Pastor Apollo.

Ito ang pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy matapos maglabas ng saloobin si Baguio City Mayor Benjamin Magalong kasunod ng pagpuna sa kanya dahil sa umano’y pagkakasangkot umano nito sa komunistang teroristang grupong CPP-NPA-NDF.

Nakasaad sa pahayag ang matinding pagkadismaya ni Mayor Magalong sa mga anchor ng programang Laban Kasama ang Bayan na sina Dr. Lorraine Badoy, Jeffrey Ka Eric Celiz, at kabilang na rin ang butihing Pastor.

Ani Mayor Magalong, ito’y pagsira umano sa kanyang reputasyon bilang isang lingkod bayan sa pamamagitan ng pagtawag sa kanya ng “traydor at taong walang prinsipyo.”

Matatandaan na unang inihayag ng dating kadre ng CPP-NPA na si Ka Eric na lumalabas na trusted allies o kakampi ng CPP-NPA-NDF si Magalong dahil  sa pagtatanggol nito sa mga prenteng organisasyon ng teroristang grupo.

Gayunpaman, sa programang Laban Kasama ang Bayan nitong Lunes, Enero 16, nilinaw ni Pastor Apollo na hindi personal ang kaniyang mga pahayag bagkus ay nais niya lamang na maliwanagan ang taumbayan sa mga taong nakikipagsabwatan o kumakampi sa CPP-NPA-NDF.

‘’I apologize to Mayor Magalong kung nasaktan siya sa terminology ko na traydor, hindi po yun personal, ginagalang na Mayor ng Baguio City. In fact, paborito ka nga ng SMNI interviewhin pero para sa amin po for a lack of a better world, ano ang gagamitin kapag duda kami na tinatanggal ninyo yung mga ano dyan kung totoo man yun na ipinatanggal daw ninyo…kung totoo po yun bakit nyo ginawa yon na yun ay laban sa CPP-NPA-NDF, bakit nyo sila kinakampihan, ano ang reason nyo sa bagay na yon? Yun ang tinatanong ng taumbayan, saan ba kayo talaga?’’ tanong ng butihing Pastor.

Binigyang-diin din ni Pastor Apollo ang sinumpaang tungkulin ni Mayor Magalong bilang lingkod-bayan.

‘’You took oath as a Mayor to defend our country to defend your city against the atrocities of the CPP-NPA-NDF at alam ko marami silang ginawang atrocities ginawa dyan sa Baguio City. Mahal natin ang syudad na yan,’’ dagdag nito.

Ani Pastor Apollo, kapani-paniwala lamang na hindi nakikipagsabwatan o nagtatraydor sa bayan ang sinumang opisyal ng gobyerno kung kinokondena nito ang mga gawa ng komunistang teroristang grupo.

“Alam mo maniniwala akong aktibista kayo kung walang NPA at kung merong NPA naman, ikondena ninyo ang ginagawa nila to the highest heaven you must condemn them because you are government officials. Paano kami makapag-trust sa inyo, na kayo ay parang sa pula at sa puti. Kapag pinuna namin kayo, hindi naman personal ‘yon, pagmamahal ‘yan sa bayan,” paliwanag ni Pastor Apollo.

Binigyang-diin din ng butihing Pastor na ang mga lider sa pamahalaan ang dapat nangunguna sa pagkundena sa salot na CPP-NPA-NDF.

“Isa lang naman ang hinihiling namin sa kanila, ang i-condemn ang atrocities ng CPP-NPA-NDF. I-condemn nyo kase mga taga gobyerno kayo dapat kayo ang number 1 na example ng taumbayan that you are beyond reproach when it comes to the loyalty to our Constitutions,  to our country,” ani Pastor Apollo.

Sa huli, sinabi ni Pastor Apollo na ang pagtatraydor sa bayan ay maaaring magdulot ng paglakas muli ng recruitment ng CPP-NPA-NDF sa mga kabataan.

“Kung nandyan kayo at mahina ang loob nyo para lumaban sa CPP-NPA-NDF na ito, please wag na kayong tumakbo sa susunod. Para sa akin wala kayong values,’’ saad nito.

‘’Ang inaalala lang ninyo ay sarili ninyo, hindi ang bayan, kung mahal mo ang bayan you are willing to sacrifice your career for the nation,’’ ayon kay Pastor Apollo.

Follow SMNI NEWS in Twitter