Baguio City Mayor Benjamin Magalong, nagbitiw bilang contact tracing czar

NAGHAIN ng resignation bilang contact tracing czar ng pamahalaan si Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Kinumpirma ito ni Presidential spokesperson Harry Roque.

Gayunman, sinabi ni Roque na hindi ito tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Patuloy aniyang tinatamasa ni Magalong ang tiwala at kumpiyansa ng leadership ng National Task Force (NTF) against COVID-19.

Ang pagbibitiw ni Magalong ay kasunod ng kanyang pagdalo sa birthday party ni Tim Yap sa Baguio City na binatikos dahil sa paglabag sa minimum health protocols.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.