Pagsugpo sa human trafficking, mas palalakasin

Pagsugpo sa human trafficking, mas palalakasin

ISUSULONG ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ang pakikipagkasundo sa mga travel agency upang palakasin ang paglaban kontra human trafficking.

Magiging bahagi nito ang Inter-Agency Council Against Human Trafficking, Department of Justice, Bureau of Immigration at iba pa.

Samantala, malaki anya ang magiging partisipasyon dito ng airlines at shipping companies dahil ang mga empleyado dito ang mag-uulat ng mga potensiyal na kaso ng trafficking.

Ang kasunduan ay tutuon sa 3 bagay katulad ng pag-uulat ng mga kaso ng trafficking sa Inter-Agency Council Against Trafficking, pagpigil sa paglaganap ng mga pekeng dokumento at pagtiyak ng wastong pagpapakalat ng impormasyon sa Immigration requirement.

Ang paglaban aniya sa human trafficking ay nangangailangan ng sama-samang tulong at pagsisikap mula sa lahat ng sektor para protektahan ang mga mahihina at wakasan ang human trafficking.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter