Pagsuspinde sa TIN requirement para sa coop tax exemption isinusulong sa Senado

Pagsuspinde sa TIN requirement para sa coop tax exemption isinusulong sa Senado

NANANAWAGAN si Sen. Win Gatchalian ng suspensiyon at pagsusuri sa isang patakaran ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nag-uutos sa lahat ng miyembro ng kooperatiba na kumuha ng Taxpayer Identification Number (TIN) bago sila maging qualified sa mga tax exemption.

Ayon kay Gatchalian, ang patakarang ipinatupad sa ilalim ng Revenue Memorandum Circulars (RMC) Nos. 76-2010 at 124-2020 ay sumasalungat sa Philippine Cooperative Code of 2008 (RA 9520).

Nagdudulot ito ng hindi kailangang pasanin sa mga kooperatiba, lalo na ang mga binubuo ng informal workers.

Kaugnay nito, inihain na rin ni Gatchalian ang Senate Resolution No. 1286 upang suriin kung ang BIR policy ay lumalabag sa tax exemption privileges ng kooperatiba.

Inaasahan namang magkakaroon ng pagdinig sa Senado hinggil dito sa mga susunod na araw upang talakayin ang mga posibleng solusyon at pagbabago sa mga batas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble