NILINAW ng Bureau of Immigration (BI) na obligado ang lahat ng mga foreigners dito sa bansa na personal na magtungo at magreport sa tanggapan.
Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na kailangan kasi ng mga foreigners na magsumite ng annual report batay sa Alien Registration Act of 1950.
Nakasaad sa naturang batas na lahat ng dayuhan sa bansa na nagtataglay ng immigrant at non-immigrant visa at nabigyan ng Alien Certificate of Registration Identity Card, pati ang mga refugee at mga stateless citizen ay kailangang magreport ng personal sa bureau sa loob ng unang 60 araw ng bawat taon.
Maaari anyang magreport sa Robinsons Place Manila, SM Mall of Asia at sa lahat ng mga tanggapan ng Immigration sa buong bansa na magtatagal hanggang sa March 1, 2023.