IKINABABAHALA ng grupo ng mga ospital ang biglaang pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa.
Sa panayam ng SMNI News, sinabi ni Dr. Jose Rene de Grano, pangulo ng Private Hospitals Association of the Philippines, Inc. (PHAPI) na nakababahala ang naitalang pagtaas ng humigit-kumulang sa 212 percent ang kaso ng dengue kumpara noong 2022.
Tinukoy rin ni De Grano ang ilang lugar sa bansa na nagkaroon ng pagtaas ng kaso ng dengue.
Gayunman, nilinaw ni De Grano na sa kabila ng pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa ay hindi naman tumaas ang fatality rate o ang namatay dahil sa sakit.
Pinaalalahanan naman ni De Grano ang publiko na agad na magtungo sa pinakamalapit na ospital kapag nakaramdam na ng sintomas ng dengue.