Sakit na sore eyes, ibinabala ng DOH sa publiko ngayong tag-init

Sakit na sore eyes, ibinabala ng DOH sa publiko ngayong tag-init

BINALAAN ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa sore eyes lalo na ngayong panahon ng tag-init.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, agad na magpakonsulta sa doktor kapag nagkaroon ng pamumula ng mata.

Ito ay para mabigyan ng tamang gamot dahil karaniwang gumagaling ang sore eyes sa loob ng 2 linggo.

Idinagdag din ni Vergeire na para linisan ang matang may sore eyes, iwasan ang paglalagay ng kahit anong eye drops sa mata at sa halip ay gumamit ng malinis na bimpo para pamunas.

Nagpaalala rin ang opisyal na dahil madaling makahawa ang sore eyes ay dapat ugaliin ang madalas na paghuhugas ng mga kamay, paglalagay ng alcohol at iwasan ang paghawak sa kamay sa mga indibidwal na may sore eyes.

Follow SMNI NEWS in Twitter