Pakistani government, ipa-deport ang mga Afghan sa kanilang bansa

Pakistani government, ipa-deport ang mga Afghan sa kanilang bansa

IPAPA-DEPORT na ng Pakistan ang libu-libong Afghan refugees sa kanilang bansa na nag-aantay ng relokasyon papuntang Estados Unidos at iba pa.

Ito ay kung matatagalan pa anila ang proseso ng kanilang mga relokasyon.

Tinatayang nasa 20K na Afghans na nasa Pakistan ang inaprubahan para magkaroon ng resettlement sa Estados Unidos.

Ngunit napag-iwanan sila sa kasalukuyan dahil ipinahinto ni U.S President Donald Trump ang refugee program noong nakaraang buwan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter