KINUMPIRMA ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na naudlot ang paglipad ng isang eroplano ng PAL Express sa Tacloban Airport matapos magbiro ng patungkol sa bomba ang isang nakatatandang pasaherong babae.
Bunga nito, pinababa ang mga pasahero ng naturang eroplano at agad na inilipat sa VIP Lounge ang mga naapektuhang mambabatas.
Agad ring nagsagawa ng paneling at inspection sa eroplano ang mga awtoridad sa naturang paliparan.