Pamahalaan, pinaigting ang monitoring sa mga children at risk at conflict with the law

Pamahalaan, pinaigting ang monitoring sa mga children at risk at conflict with the law

INILUNSAD nitong Biyernes ng Juvenile Justice and Welfare Council (JJWC) ang kanilang management and information system para sa mga children at risk at children in conflict with the law.

Children in conflict ang tawag sa mga batang nakasuhan at nakulong na dahil sa krimen habang children at risk with the law naman ang tawag sa mga batang prone na makagawa nito.

Halimbawa ng children at risk ay ang mga batang hamog at mga batang lansangan.

Children at risk din ang mga bata na nakalalabag sa curfew batay sa Juvenile Justice and Welfare Act o RA 9344.

Sa monitoring system na binuo ng council ay may talaan na pamahalaan sa kung sinu-sino ang mga batang at risk at in conflict with the law.

Kapag napasok ang isang bata sa database, subject ito sa monitoring at evaluation ng estado para maibigay ang nararapat na tulong.

“So talagang ito makikita natin yung bilang ng mga bata, makikita natin kung ano yung binigay sa kanila na serbisyo, makikita natin kung ano ang ginawa ng ating estado noong sila ay naging child at risk at child in conflict with the law,” saad ni JJWC Executive Director Atty. Tricia Clare Oco.

Follow SMNI NEWS in Twitter