KONTENTO ang pamangkin ng yumaong artista na si kuya Germs sa unang taon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay John Nite na kontento siya sa unang taon ni PBBM at isa sa kanyang nagustuhan umano ay ang pagpapatuloy ng mga programa ni Marcos Sr. na kung saan tulungan ang mga magsasaka.
”But you know of course very satisfied ako because nakita naman natin ang pinakapaborito ko ‘yung sa mga farmers ‘yung nga proyekto ng father niya ipinagpapatuloy finally mga farmers ‘yung mga nagsasaka ng kanilang.. ngayon ibinigay niya sa kanila,” ayon kay John Nite.
Kaya naman sabi niya, masyado pang maaga para husgahan ang kasalukuyang administrasyon.
“Para sa akin, oo pero hindi ko alam kung ano ang maaga sa kanila or kailangan ba magmadali kasi I’ve been a lot of transition of the government.”
“Para sa akin hindi ako nababagalan, calculated tamang-tama maghintay lang tayo kasi a lot of people lalo na sa social media ngayon may kaniya-kaniya tayong level of temper,” ani John Nite.