Pamangkin ni Hidilyn Diaz nasungkit ang unang gintong medalya sa weightlifting

Pamangkin ni Hidilyn Diaz nasungkit ang unang gintong medalya sa weightlifting

TILA may pinagmanahan ang pamangkin ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz dahil sa unang taon ng weightlifting bilang demo sport sa Palarong Pambansa, nakamit ni Matthew Diaz ng CALABARZON, ang unang gintong medalya sa nasabing sport!

Sa Secondary Boys 48kg category, nagtala si Matthew ng 73kg sa Snatch at 93kg sa Clean and Jerk—isang matatag at pangmalakasang performance na nagtulak sa kaniya sa unang puwesto sa podium.

Kaya naman hindi maikakaila na it runs in the blood.

At sa kaniyang tagumpay, tila sinimulan na ni Matthew ang sariling landas patungo sa kasaysayan, gaya ng kaniyang tiyahin na si Hidilyn na nagbigay ng unang Olympic gold para sa Pilipinas.

Sa pinakahuling medal tally ng Palarong Pambansa 2025 as of today, nasa unang puwesto ang National Capital Region na may 16 na gold, 12 silver, at 3 bronze.

Nasa ikalawang puwesto naman ang Region 4-A CALABARZON na may 12 gold, 13 silver at 7 bronze.

Pangatlong puwesto naman ang Region 6 Western Visayas na may 7 gold, 5 silver at 7 bronze.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble