PATULOY ang gift-giving tradition sa mga batang salat sa buhay ng pamilya Villar.
Alinsunod sa taunang tradisyon ng Villar family na mapasaya ang mga bata sa panahon ng Kapaskuhan, hinandugan nila ng isang araw na puno ng pagmamahal at aliw ang mga bata mula sa Baseco.
Sa unang pagkakataon, idinaos sa Villar Children’s Farm sa Bacoor City, Cavite ang Villar Christmas Party at ito ay dinaluhan ng Baseco children.
Itinataguyod ng Villar family-dating Senate President Manny Villar, Senators Cynthia at Mark Villar at Vista Land Holdings President at CEO Paolo Villar ang Christmas party na dating ginaganap sa Crosswinds sa Tagaytay City sa nakalipas na 13 taon.
Nabiyayaan sa nasabing gift-giving ang 50 Baseco children na sinundo sa kanilang mga lugar sa Tondo, Manila, at dinala sa Villar Children’s Farm sa Bacoor City.
Sinabi ni Sen. Cynthia na ginaganap ang taunang Christmas Party para sa mga bata upang mapanatiling buhay ang Villar tradition of gift-giving at maibahagi ang kanilang blessings.
“Christmas has always been a special time especially for the children. This event is just one of our family’s way of giving back to the Filipino people,” ani Villar.
“We hope through this celebration, we are able to spread joy to the kids and their families this holiday season,” dagdag pa niya.
Umaasa rin siya na nagkaroon ang Baseco children ng masaya at puno ng pagmamahal na alaala na nagbigay ng ngiti sa kanilang mga labi nang makasama ang Villar family.
Inihayag naman ni dating Sen. Manny na ang okasyong ito ay isang simbolo ng pagmamahal at pag-aalaga ng kanilang pamilya sa mga batang nagmula sa mahihirap na pamilya.
“We want to make them happy in our simple way during this holiday season. We also like them to have fun with us and their new found friends at Villar Children’s Farm,” ayon kay dating Sen. Manny Villar.
Sinamahan din ng mga Villar ang Baseco children sa panonood ng magician show at paglalaro ng ilang games.
Nag-enjoy ang Baseco children at kanilang mga kasama sa pagkain at parlor games na handog ng Villar family.
Naranasan din ng mga batang Baseco ang mag zipline at horse-back riding sa kanilang pag-ikot sa loob ng kaaya-ayang Villar Children’s Farm.