Pamimigay ng sim cards na may internet load sinimulan na ng DepEd

Pamimigay ng sim cards na may internet load sinimulan na ng DepEd

NAGSIMULA nang mamahagi ng sim cards na may internet load ang Department of Education (DepEd) sa mga guro na gagamitin sa remote learning dahil sa COVID-19.

Nagsisimula ng namahagi ng sim cards na may internet load ang DepEd sa mga teaching at non-teaching personnel.

Ayon kay Education Undersecretary Alain Pascua, layunin nito na matiyak na mapadali at walang sagabal sa paghahatid ng serbisyo lalo pa’t nagpapatuloy ang remote learning dahil sa COVID-19.

Umabot sa P1.2 billion ang ginagastos sa pagbili ng sim cards kung saan ang nasabing halaga ay mula sa P4.3 Billion financial assistance na ibinigay sa ahensya sa pamamagitan ng Bayanihan to recover as one act.

Ang naturang sim cards ay mayroong 34-gigabyte load na maaring gamitin sa loob ng isang taon.

Matatapos ang pamamahagi ng DepEd ng sim cards hanggang sa Hulyo 23 kung saan ang permanenting guro, kontrakwal at mga personnel na nagtatrabaho sa ilalim ng DepEd schools at offices lang ang maaaring makatatanggap.

(BASAHIN: DepEd, planong i-update ang curriculum ng kinder hanggang Grade 10)

SMNI NEWS