Pamimingwit ng mga estudyante ng CPP-NPA-NDF, tinuldukan ng Kalinga State University

Pamimingwit ng mga estudyante ng CPP-NPA-NDF, tinuldukan ng Kalinga State University

ISANG matapang at kahanga-hanga na hakbang ang ginawa ng Kalinga State University laban sa CPP-NPA-NDF matapos nitong ipatanggal ang mga libro ng National Democratic Front (NDF) na nagtuturo ng komunismo at iba pang pag-aaral na laban sa gobyerno at konstitusyon ng Pilipinas.

Nagkaisa ang iba’t ibang pinuno ng mga youth organizations para kondenahin ang mga underground na gawain ng CPP-NPA-NDF sa iba’t ibang paaralan.

Sa pagsisimula ng press conference ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na Tagged Debunking Lies by Telling the Truth, binigyan linaw ni Atty. Marlon Bosantog na isa sa tagapagsalita ng NTF-ELCAC kung ano ba ang totoong academic freedom na kinakailangang maintindihan ng mga estudyante sa iba’t ibang paaralan lalo na sa mga state universities.

Suportado naman ng dating GF 55 Political Instructor na si Daniel Castillo ang ginawa ng Kalinga State University, bagama’t tutol man ang iilang estudyante ay para naman ito sa ikabubuti ng kanilang mag-aaral na mailayo sa mga kapamaraanan ng CPP-NPA-NDF na makapag-recruit.

Para naman kay Christian, isang youth leader ng Propelling Our Inherited Nation Through Our Youth Inc. (POINTY) ang idolohiyang  nilalaman ng mga turo ng libro na nagraradikalisa sa mga estudyante na isang daan para hatakin pababa ang gobyerno.

Ginawa namang halimbawa ni Franz Arabia, KKDAT National spokesperson, ang matapang na paninindigan laban sa komunismo ng KSU para gayahin pa ng maraming universities.

Pinuri naman ni Alexis Micutuan, National President ng Youth For Peace and Development Movement Philippines, ang ginawa ng KSU.

Maliban dito ay pinaalalahan din nito ang mga paaralan na huwag kalimutan ang dahilan ng ating pag-aaral ay para makatulong sa ating bayan at hindi maghasik ng kasamaan.

BASAHIN: Youth organizations, nagpahayag ng suporta laban sa CPP-NPA-NDF

SMNI NEWS