Pamumuhay sa ilalim ng Duterte admin, mas mabuti kumpara sa pamumuno ngayon ni Marcos Jr.

Pamumuhay sa ilalim ng Duterte admin, mas mabuti kumpara sa pamumuno ngayon ni Marcos Jr.

SA Hakbang ng Maisug Rally na ginanap sa Cagayan de Oro City, naglabas ng mga hinaing ang ilan laban sa administrasyong Marcos.

Halos lahat sila ay sinabing mas maayos ang kanilang pamumuhay sa ilalim ng administrasyong Duterte kung ikukumpara ngayon sa ilalim ng administrasyon ni BBM.

Para sa isang negosyante na si Kinkin Tianzon, napakapait aniya ng nararanasan ngayon ng mga medium, small at micro enterprises sa loob ng dalawang taong panunukulan ng kasaluyang administrasyon.

Iba ani Kinkin sa panahon ni dating Pangulong Duterte kung saan prayoridad aniya ang lahat ng mga pilipinong negosyante, maliit man o malaki.

Para naman kay Liling Rodriguez na isang janitor at may tatlong anak, talagang mahirap na aniya ang buhay ngayon matapos ang dalawang taong pamumuno ni Marcos Jr.

Hindi aniya sapat ang kaniyang kinikita at ng kaniyang asawa na isang tricycle driver dahil sa sobrang mahal ng mga bilihin partikular na ang bigas.

Hinaing naman ni Adam Casibit, ang ipinangakong P29 na bigas sa Kadiwa Stores ay para lamang sa mga piling lugar at hindi talaga naaabot ang lahat ng mga mahihirap.

Napansin naman ni Datu Kunulan ng Tribong Ata sa Paquibato District sa Davao City na wala na masyadong proyekto o programa ang kasuluyang administrasyon lalo na para sa mga katutubo.

Sa usaping peace and order, panatag naman ang kalooban noon ng nakapanayam ng SMNI News na si Vince Tiangzon, isang ofw mula Middle East sa ilalim ng Duterte administration.

Ngayon aniya sa panahon ni Marcos Jr., naging talamak na naman aniya ang mga krimen at iligal na droga.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble