Panelo, suportado ang pahayag ni Juan Ponce Enrile na hindi maaaring kasuhan si VP Sara

Panelo, suportado ang pahayag ni Juan Ponce Enrile na hindi maaaring kasuhan si VP Sara

MULING ipinaliwanag ni dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte tungkol kina Pangulong Bongbong Marcos, First Lady Liza Marcos, at Speaker Martin Romualdez.

Ito’y kasunod ng pagdepensa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pagsasampa nila ng kasong Inciting to Sedition at Grave Threats laban sa Bise Presidente.

Matatandaang sinabi ni VP Sara na may nakausap umano siyang handang patayin sina BBM, Liza, at Martin—kung siya mismo ang mapapatay.

“Ang sinabi niya, ‘pag siya ay napatay. Sinasabi niya dun sa kausap iyan tuhugin niyo iyang tatlong iyan. In other words, she saying si VP Sara. Nire-reveal nya ‘yung plot against her life and she wants the public to know in the event that she is kill there are is only three suspect in her life,” pahayag ni Atty. Salvador Panelo, Former Chief Presidential Legal Counsel.

“Sa madaling sabi, hindi siya nagbabanta,” dagdag pa niya.

Sinabi pa ni Panelo na kung totoong may banta si VP Duterte, dapat ang mismong mga inakusahan niya ang nagsampa ng kaso laban sa kanya—hindi ang NBI.

“Ang tanong ko, sino ba ang nag-file ng kaso? Hindi naman ‘yung diumano’y pinagbantaan—si President Marcos Jr., si First Lady, at si Speaker Martin. Hindi sila ang nag-file ng reklamo,” paliwanag ni Panelo.

Sinabi rin ni Panelo na maging si Chief Presidential Legal Counsel Atty. Juan Ponce Enrile ay walang nakikitang kriminal na intensyon sa pahayag ng Bise Presidente.

Sa isang social media post, binigyang-diin ni Enrile na hindi maaaring kasuhan si VP Sara dahil ang kanyang sinabi ay may kondisyon.

 “Although no criminal charge could be made at this time against Sara for her aforesaid statement because it is conditional,” pahayag naman ni Atty. Juan Ponce Enrile Chief Presidential Legal Counsel.

“No criminal charge could be made. In other words, hindi po pupwede talaga na idemanda because it is conditional. ‘Yun nga ‘yung sinabi ko conditional hindi nga mangyayari. Bat pinagpipilitan niyo?” saad pa nito.

Sa huli, iginiit ni Panelo na posibleng nagpapalakas lamang ang NBI Chief sa administrasyon o kaya’y itinutuloy ang umano’y demolition job laban kay VP Sara—dahil mula’t sapul, target siyang pabagsakin para sa 2028 presidential elections.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble