NAGTALAGA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng mga bagong opisyal na pupunan ang mga mahahalagang posisyon sa ilang ahensya ng gobyerno.
Ayon sa Presidential Communication Office (OPS), isa sa itinalaga ng Pangulo si Romulo Victoria Arugay, bilang chairman ng Commission on Filipino Overseas.
Itinalaga rin ng Pangulo si Mario Imperial Molina bilang acting member ng board of trustees ng Government Service Insurance System (GSIS) at si Joan Masilang Padilla bilang administrator ng Intramuros Administration, isang attached agency ng Department of Tourism (DOT).