Pang. Marcos, sinipon sa ikalawang araw ng kanyang working visit sa Belgium

Pang. Marcos, sinipon sa ikalawang araw ng kanyang working visit sa Belgium

SINIPON si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ikalawang araw ng kanyang working visit sa Brussels, Belgium.

Kinumpirma ito ng kanyang pinsan na si House Speaker Martin Romualdez.

Ayon kay Romualdez, napaos din ang Pangulo kaya nagdesisyon itong magpahinga muna dahil marami pa itong mahahalagang pulong.

Hindi na nakaharap ang Pangulo sa nakatakda sanang press briefing sa Malacañang Press Corps kaninang umaga, oras sa Manila kaya si Romualdez na lang ang humarap sa media.

Sa kabila nito, sinabi ni Romualdez na dadalo ang Pangulo sa ASEAN-EU Commemorative Summit at magsasagawa ng bilateral talks kasama ang European counterparts ngayong Miyerkules.

 

 

Follow SMNI News on Twitter