MAHIGIT kalahating porsyento na ang nakumpleto sa Panguil Bay Bridge project sa Northern Mindanao.
Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Senior Usec. Emil Sadain, posibleng sa December 2023 ay tuluyan na itong matatapos.
Ang P7.3-B na Panguil Bay Bridge project na tinagurian ding “Longest Sea-Crossing Bridge” sa Northern Mindanao ay magkokonekta sa Tangub City, Misamis Occidental at Tubod, Lanao del Norte.
Sinimulan ang konstruksyon ng proyekto noong February 2020 subalit sa huling quarter ng 2022 ay naapektuhan ito dahil sa madalas na pag-ulan at malakas na agos ng Panguil Bay.
Sakaling matatapos na ito ay mula sa 2 oras ay magiging 7 minuto na lang ang travel time sa pagitan ng Lanao del Norte at Misamis Occidental.
Ang Panguil Bay Bridge project ay bahagi ng Build Better More program ng DPWH.