Pangulong Duterte, hinikayat ang mga Muslim at mga pinuno ng IP na magpabakuna kontra COVID-19

Pangulong Duterte, hinikayat ang mga Muslim at mga pinuno ng IP na magpabakuna kontra COVID-19

HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Muslim at mga community leader ng Indigenous People (IP) na magpabakuna na kontra COVID-19.

Ito ang nilinaw ni acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles matapos mabanggit ni Pangulong Duterte na ayaw magpabakuna kontra COVID-19 ang mga Muslim at mga IP.

Aniya, gusto lamang ni Pangulong Duterte na bigyang diin na kailangan maimpluwensyahan ng mga lokal na pinuno ang kanilang mga nasasakupan na magpabakuna.

Sa ngayon, aabot na sa mahigit 51 million ang fully-vaccinated na kontra COVID-19 at plano ng gobyerno na bakunahan ang 77 million Filipino bago matapos ang buwan ng Marso ngayong taon.

SMNI NEWS