PASADO alas siyete kaninang umaga nang lumapag sa Bay 116 sa NAIA Terminal 3 ang Cebu Pacific Flight 5J671 kung saan lulan ang panibagong batch ng 1-million doses ng Sinovac vaccine na binili ng Pilipinas galing China.
Ang naturang bakuna ay sinalubong ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer, vaccine czar Carlito Galvez Jr.
Ayon kay Galvez ang mga dumating na bakuna ngayong araw ay bahagi sa 2.5 milyong dosis na karamihan gagamitin para sa 2nd dose na ibabahagi nationwide.
Sa bilang na ito, umabot na sa kabuang 13 milyong dosis ng Sinovac vaccine ang dumating na sa bansa.
Isang milyon dosis dito ay donasyon ng China ang 400,000 naman dito ay binili ng Manila City government at ang 500,000 naman dito ay binili ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry.
Sa kabuuang bilang, nasa 12.1 M naman ng Sinovac vaccine ang binili na ng national government.
Magandang balita din ayon kay Galvez dahil nagkaroon na ng kasunduan ang bansa at Sinovac na simula ngayon ang mga bakunang darating ay meron ng Certificate of Analysis na ang ibig sabihin pwede na siyang iturok anumang oras.
BASAHIN: Sinovac, Pfizer, top vaccine brand na gusto ng mga Pilipino