Panibagong batch ng higit 500-K doses ng Pfizer vaccine, dumating na sa bansa

Panibagong batch ng higit 500-K doses ng Pfizer vaccine, dumating na sa bansa

DUMATING na sa bansa ang panibagong batch ng higit 500-K doses ng Pfizer vaccine.

Nasa kabuuang 561,600 doses ng Pfizer vaccine ang dumating na sa bansa kagabi.

Sakay ang mga naturang bakuna ng Pfizer sa Air Hong Kong Flight HK 456 na lumapag pasado 10:00 kagabi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ang bagong batch ng mga nasabing bakuna ay donasyon ng U.S. sa pamamagitan ng COVAX facility.

“I’m really proud that we donated for the last two days more than 2 million doses that will give more than a million Filipinos full vaccination,” ayon kay US Embassy Chargé d’ Affaires Heather Variava.

Ayon kay COVID-19 Special Adviser Dr. Ted Herbosa prayoridad sa mga naturang bakuna na maibahagi ito sa iba’t ibang probinsya maging sa labas ng Metro Manila.

“We continue to catch up in those areas where we only have about 3% to 5% fully vaccinated [individuals]. So hinahabol talaga natin ‘yung outside NCR.”ayon kay Herbosa.

Ayon kay National Task Force against COVID 19 Chief Implementer and vaccine Czar Secretary Carlito G. Galvez, Jr. sa bilang ng mga bakunang dumating kagabi umabot na sa kabuuang 64,942,000 vaccine doses, ang tinanggap na ng Pilipinas simula Pebrero 2021.

Naiulat na simula Setyembre 13 hanggang 19 umabot na sa 9,586,270 na bakuna kontra COVID-19 ang dumating na sa bansa.

Samatantala, daan daang seafarer ang babakunahan ngayong araw sa Lungsod ng Las Pinas ang naturang bakunahan ay inisyatibo ni Senator Cynthia Villar.

SMNI NEWS