POSIBLE ang isang panibagong trade deal sa pagitan ng Estados Unidos at China. Ayon ito mismo kay US President Donald Trump.
Bilang tugon ay sinabi ng Foreign Ministry ng China na dapat malutas muna ng kanilang bansa at ng Estados Unidos ang anumang hindi nila pagkakaintindihan sa pamamagitan ng diyalogo at konsultasyon.
Binigyang-diin pa ng China, walang nanalo sa pagkakaroon ng digmaan ng kalakalan at taripa dahil mas nakakapinsala pa ito sa interes ng mga tao sa buong mundo.
Follow SMNI News on Rumble