Pansamantalang pagpapahinto ng job order para sa mga manggagawa sa Indonesia, aalisin na

Pansamantalang pagpapahinto ng job order para sa mga manggagawa sa Indonesia, aalisin na

INIHAYAG ni Human Resources Minister Datuk Seri M. Saravanan na aalisin ng bansang Indonesia ang pansamantalang pagpapahinto sa mga manggagawang papasok ng Malaysia mula Agosto 1.

Matatandaang pansamantalang ipinahinto ng Embahada ng Indonesia ang pagtanggap ng job order para sa mga migranteng manggagawa sa lahat ng sektor.

Sinabi ni Datuk Saravanan na ang Malaysia at Indonesia ay sumang-ayon na pagsamahin ang kasalukuyang sistema para sa pagpapadala ng mga domestic worker.

Ito ay napagkasunduan ng Malaysian Immigration Department at ng Indonesian Embassy sa Kuala Lumpur.

Bukod pa rito sinang-ayunan din ng mga ministro ang mabilisang pagpapauwi sa undocumented migrants.

Inulit din ng mga ministro ang kanilang pangako na ipagbawal ang anumang recruitment at pagtatrabaho ng mga domestic migrant worker ng Indonesia sa pamamagitan ng anumang mekanismo maliban sa One Channel System.

Sa ngayon ang dalawang bansa ay parehong nakatuon sa pagpapadali ng kooperasyon sa pagitan ng mga ahensya ng social security sa Malaysia at Indonesia upang palakasin ang proteksyon ng mga migranteng manggagawa ng Indonesia.

Follow SMNI NEWS in Twitter