Panukalang batas na magpapagaan sa pagbabayad ng buwis, umuusad sa Kamara

Panukalang batas na magpapagaan sa pagbabayad ng buwis, umuusad sa Kamara

APRUBADO na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang Ease of Paying Taxes Act (House Bill 4125) na magpapadali sa pagbabayad ng buwis sa bansa.

Gamit ang panukala, sisimplehan na ang paghahain ng tax returns para sa maliliit na tax payers.

Inaatasan naman ng panukala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) para magkaroon ng medium taxpayer classification special unit para sa layuning pasimplehin ang taxation sa bansa.

Tinatanggal din ng panukala ang pagbabayad ng P500 na taunang registration fee at pwede na rin ang transaction ng isang tax payer sa anumang BIR Revenue District sa buong bansa.

Kung maisasabatas, magtatayo ang pamahalaan ng hiwalay na registration sites para sa foreign tax payers.

Follow SMNI NEWS in Twitter