APRUBADO na ng House Committees on Justice, National Defense at Public Order and Safety ang panukalang batas na magbibigay ng libreng legal support para sa mga sundalo at pulis.
Ngunit, gagana lamang ito kung ang kasong kinaharap ng isang uniformed personnel ay may kaugnayan sa ‘performance of duty.’
Bukod sa mga sundalo’t pulis, sakop din ng panukala ang mga jail guard, coast guard, at mga bumbero.
Sa ilalim ng bill, magpapatuloy ang free legal assistance sa mga ito kahit wala na sila sa serbisyo basta’t ang kaso ay may kaugnayan sa kanilang performance noong sila’y aktibo pa sa tungkulin.
Ayon kay Cavite Rep. Pidi Barzaga, basta’t may kaso ang mga ito, mananatili silang covered ng proposal.
“As long as they are charged, they have the right to be represented,” ani Barzaga.