PASADO na sa ikatlong pagbasa ng Senado ang 16 na panukalang batas ni Sen. Francis ‘Tol’ Tolentino na naglalayong bumuo ng karagdagang korte sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ikinatuwa ni Sen. Tolentino ang pagpasa ng House Bill No. 6584,8247,8248,8249,8250,8253,8254,8256,8258, 8259, 8260,8251,8255 at 8252.
Dahil sa matagumpay na pagkakapasa ng mga nabanggit na batas, umabot sa kabuuang 68 na korte ang madadagdag.
Ito ay nagresulta sa pagkakabuo ng 44 na sangay ng Regional Trial Court (RTC)at 24 na sangay ng Municipal Trial Court (MTC) na itatalaga sa mga lugar na sumusunod:
Cabagan, Isabela
San Jose, Dinagat Islands Baybay, Leyte,
Calauag, Quezon
Pagadian, Zamboanga del Sur
Antipolo, Rizal
Samal at Panabo, Davao del Norte
Malaybalay, Bukidnon.
Rosario at San Juan, Batangas Navotas City
San Carlos, Pangasinan
San Juan City
Gingoog, Misamis Oriental
Ormoc, Leyte
Bacolod, Negros Occidental
Lanao del Norte.
Pinasalamatan ni Sen. Tolentino ang kaniyang mga kapwa senador sa mabilis na pagpasa ng mga panukalang batas at sa pagdinig sa apela ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) na magkaroon ng mga karagdagang korte.