INALAM ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kasalukuyang lagay ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino program.
Ito ay sa gitna ng pulong kasama ang mga opisyal ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) nitong Nobyembre 7.
Inilatag ng DHSUD ang mga panukalang polisiya na magpapabilis sa pagpapatayo ng 6-M units ng pabahay sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa ilalim ng nasabing programa.
Matatandaang iniutos ni Pangulong Marcos sa DHSUD na lutasin ang backlog ng pabahay sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng disente, ligtas, at napapanatiling tirahan sa mahigit 6 na milyong pamilya sa loob ng 6 na taon.