PAO, handang tulungan ang SC sa IRR ng ‘Lapid Law’

PAO, handang tulungan ang SC sa IRR ng ‘Lapid Law’

INIHAYAG ng Public Attorney’s Office (PAO) na handa nilang tulungan ang Supreme Court (SC) sa paggawa ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act No. 9999, na tinatawag na “Lapid Law” na kilala bilang “Free Legal Assistance Act of 2010”.

13 taon, mula nang maisabatas ang Republic Act No. 9999 ay hindi pa maipatutupad dahil sa hindi kompletong rules and regulations nito.

Ang parehong batas ay nagtatadhana na sa loob ng 90-araw mula sa bisa nito, ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ay dapat bumalangkas ng mga kinakailangang regulasyon sa kita para sa wastong pagpatutupad ng bahagi ng buwis gaya ng isinasaad sa batas.

Sa isang press conference, sa lungsod ng Quezon, sinabi ni PAO chief Atty. Persida Rueda Acosta na handa sila sa Committee on Rules ng SC na bumalangkas ng IRR upang maipatupad na ang ‘Lapid Law’.

Ang Republic Act No. 9999 ay inakda ni Senator Manuel Lapid at nilagdaan bilang batas ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong Pebrero 23, 2010.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter