Pasok ng tag-ulan sa bansa, posibleng maantala dahil sa El Niño

Pasok ng tag-ulan sa bansa, posibleng maantala dahil sa El Niño

POSIBLENG maantala ang pasok ng panahon ng tag-ulan sa bansa dahil sa epekto ng El Niño.

Karaniwan namang pumapasok ang tag-ulan sa bansa sa huling linggo o unang linggo ng Hunyo.

Pero sa pagtataya ng PAGASA, posibleng sa huling bahagi ng Hunyo pa papasok ang rainy season.

Ayon pa sa PAGASA, asahan din ang pagkidlat-pagkulog sa kalagitnaan ng Mayo sa gitna ng mainit na panahon.

Posible ding haharap ang bansa ng La Niña pagkatapos ng nararanasang El Niño.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter