Pastor ACQ, dinipensahan ang confidential funds na hinihingi ni VP Duterte

Pastor ACQ, dinipensahan ang confidential funds na hinihingi ni VP Duterte

DINEPENSAHAN ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa kaniyang programang Give Us This Day nitong Miyerkules si Vice President Sara Duterte laban sa mga tumutuligsa ng confidential funds na hinihingi ng Department of Education (DepEd).

Ayon kay Pastor Apollo na nararapat lamang na makuha ng DepEd ang hinihinging confidential funds.

Kasunod ito ng ulat ni Education Usec. Michael Poa na 16 na high school sa Metro Manila ang sangkot aniya sa recruitment activities ng NPA.

Paglalahad pa ni Poa na 12% ng mga rebelde na sumuko mula 2016 hanggang 2022 ay mga menor de edad.

Sinabi rin ng DepEd official na mahigit 5,000 menor de edad ang nadiskubre na may kinalaman sa drug-related activities mula Hulyo 2022 hanggang Hulyo 2023.

“Now, she also is hitting the nail on the head because this is where the CPP-NPA-NDF and their cohorts are recruiting students to become NPAs. Activists first and then they evolve into red fighters, go to the mountain and die for nothing. That’s why she needs all the confidential funds,” pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy, The Kingdom of Jesus Christ.

“This is for the surveillance, inquiries regarding the law enforcement, for drug activities there in school, and for the recruitment of the rebel group – the CPP-NPA terrorist group,” dagdag ni Pastor Apollo.

Pagbibigay-diin pa ni Pastor Apollo na pilit nilang hinaharangan ang DepEd na makuha ang nasabing pondo dahil alam nilang seryoso si VP Sara na wakasan ang recruitment ng CPP-NPA-NDF sa mga pampublikong paaralan.

“That’s why they are blocking her because they know that she is serious in the work of addressing the problems cause by the recruitment of the CPP-NPA-NDF and their cohorts in our schools,” ayon pa sa butihing Pastor.

“Very well. This is the mission of our DepEd Secretary at the same time Vice President. That is why they are trying to hinder her. They are trying to stop and try to malign her or try to bedevil what she is doing,” diin ni Pastor Apollo.

Publiko, wala dapat ipag-alala kay VP Duterte pagdating sa pera—Pastor ACQ

Binigyang-diin naman ng butihing Pastor na wala dapat ipag-alala ang publiko kay VP Duterte pagdating sa pera.

“We know Inday Sara. I am from Davao City. She grew up here. She is straight as an arrow. With regards to money, we don’t worry about her. I will tell you. I can witness to that,” pagdidiin nito.

VP Sara Duterte, perfect na Education Secretary ayon kay Pastor ACQ

Samantala, kung si Pastor Apollo ang tatanungin sa estado ngayon ng education system sa ilalim ng pamumuno ni VP Duterte, ito ang naging tugon ng butihing Pastor.

“Perfect! Excellent! Vice President Inday Sara Duterte is perfect and excellent to be our DepEd Secretary,” pagwawakas ni Pastor Apollo.

Follow SMNI NEWS on Twitter