Pastor ACQ, iminungkahi ang mas mahigpit na proseso ng recruitment ng PNP

Pastor ACQ, iminungkahi ang mas mahigpit na proseso ng recruitment ng PNP

BILANG isang kilalang peace advocate, personal na iminungkahi sa PNP ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ ang mas mahigpit na proseso sa pagtanggap ng mga estudyante o trainees na nais maging bahagi ng Philippine National Police (PNP).

Kasunod ito ng sunud-sunod na pagkakasangkot ng ilang kapulisan partikular sa mga kontrobersiyal na police operations nito sa Cavite at Navotas na ikinasawi pa ng isang inosenteng menor de edad.

Giit pa ni Pastor Apollo, kung magpapatuloy na maging maluwag ang sistema sa loob ng PNP, mahihirapan itong bumangon mula sa mga kontrobersiya bagamat hindi naman aniya lahat ay masama dahil marami pa rin naman aniyang matitinong pulis sa hanay nito.

Inihalintulad pa ng butihing Pastor ang paraan ng pamumuno nito sa loob ng bansang kaharian na pinangingibabawan ng maayos, tapat, at walang halong korapsiyon.

Higit 2,000 pulis, naparusahan dahil sa iba’t ibang paglabag—DILG

Samantala, sa panayam ng media araw ng Lunes Agosto 14, 2023 sa tagapagsalita ng PNP na si Police Colonel Jean Fajardo, tiniyak nito ang agad na pag-aaral sa mas pinalakas na polisiya ng recruitment sa mga bagong pulis bago ito bigyan ng karapatang humawak ng posisyon, baril, at awtoridad.

Sa ngayon, tuluy-tuloy naman anila ang pagsisikap ng PNP na mapanagot ang mga pulis na hindi tumatalima sa mandato ng buong organisasyon.

Sa katunayan, batay sa pinakahuling datos ng internal cleansing program ng PNP, umabot sa 2,304 pulis ang naparusahan dahil sa iba’t ibang paglabag.

Sa isang report sa media ngayong araw, inihayag ni Interior Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr.

Ayon kay Abalos, mula Hulyo 1, 2022 hanggang Agosto 2, 2023, 583 ang na-dismiss, 129 ang na-demote, at 978 ang nasuspinde.

Habang 81 ang na-forfeit ang sahod, 424 ang na-reprimand, 61 ang napatawan ng restriction at 48 ang na-withhold ang probilehiyo.

Nilinaw naman ni Abalos na marami pa rin ang matitinong pulis at wala pang isang porsiyento ng mahigit 200,000 pulis ang nakagawa ng kamalian at nakasuhan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble