Pastor Apollo C. Quiboloy, nais kilalanin ang mga matatapat na lingkod-bayan; SMNI Heroes Awards, bubuuin

Pastor Apollo C. Quiboloy, nais kilalanin ang mga matatapat na lingkod-bayan; SMNI Heroes Awards, bubuuin

NAIS bigyang-pugay ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang mga matatapat na lingkod-bayan sa ating bansa na silang nagsusulong ng tapat na pamamahala.

Ito ang inanunsyo ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa kaniyang programang Spotlight nitong Huwebes, Nobyembre 3.

Ayon kay Pastor Apollo, dapat lamang na kilalanin ang mga matatapat na lingkod-bayan upang maging huwaran sila sa lahat ng gustong pumasok sa public service.

“Gumawa po tayo ng mga nominations para sa SMNI Heroes, kikilalanin natin, bibigyan natin sila ng award at ang SMNI ay magbibigay sa kanila ng recognition sa kanilang matapat na pamamahala para sa ating bansa at kasamang ayuda na, bilang pagkilala sa kanila,” ayon sa butihing Pastor.

Hinikayat ni Pastor Apollo ang publiko na inominate nila ang mga lingkod-bayan na talagang huwaran at inilalaan ang buhay para sa kanilang mga kababayan na sinasakupan.

Dagdag ng butihing Pastor na ang honesty o pagiging matapat ang isa sa mga pinaka batayan upang makatanggap ng prestihiyosong SMNI Heroes Award.

“Number one talaga ‘yung honest siya sa kanyang pamamahala. Number one talaga na criterion ng SMNI Heroes hindi siya corrupt sa pera, number one ‘yan. ‘Yun ang pinaka-number one, kasi public trust is money. Money ang ipagkakatiwala sa’yo, kwarta, pera ng taong-bayan ‘yan eh,” saad ni Pastor Apollo.

Pinaplano ni Pastor Apollo C. Quiboloy na isagawa ang kauna-unahang SMNI Heroes ngayong buwan ng Disyembre.

Follow SMNI NEWS in Twitter