Pastor Apollo C. Quiboloy, tinawag na may ‘false loyalty’ ang mga nagsasabing kontra ang SMNI kay PBBM

Pastor Apollo C. Quiboloy, tinawag na may ‘false loyalty’ ang mga nagsasabing kontra ang SMNI kay PBBM

SINABI ni Pastor Apollo C. Quiboloy na ang mga nagsasabing naging kontra na ang SMNI sa administrasyong Marcos ay may ‘false loyalty’ sa pangulo at sa  bansa.

“Kung ang interpretasyon ng iba kami ay kontra na sa pangulo at ang SMNI kontra na, kayo ay may tinatawag na may false loyalty sa ating bansa at sa ating pangulo, false loyalty yun,” pahayag ni Pastor Apollo.

Giit ni Pastor Apollo, paano siya at ang SMNI naging kontra sa bagong administrasyon gayong pinuna lamang aniya niya ang hindi pagbanggit ng pangulo sa unang State of the Nation Address (SONA) nito ang peace and order na siyang parte ng national interest.

“Panong naging kontra kami kung sinabi naming  bakit hindi nabanggit ng Pangulo ang peace and order. ‘Yung about sa insurgency, ‘yung about sa illegal drugs, yung about sa NTF-ELCAC, masama ba ‘yon? Dapat ‘yun ang responsibilidad ng Pangulo di ba? ‘Yun ang hinahanap ng tao,” ani Pastor Apollo.

“Bakit naging kontra? Kontra ba yun? National interest ang tawag ko doon. Ang unang kailangang tumutok sa national interest, ang Pangulo,” dagdag nito.

Ipinaliwanag ni Pastor Apollo, kung ang mga Pilipino ay pupurihin lamang ang pangulo at ayaw itong masaktan sa pamamagitan ng mga pagpuna ay tiyak na magdurusa ang Pilipinas dahil hindi matutukan ng pangulo ang mga problema ng bansa.

“‘Kayo pina-flatter ninyo ang Pangulo. Pag ganun nang ganun ang mangyayari sa atin, ‘pag gusto na lang ng Pangulo madinig mga papuri at saka hindi masasaktan ang kanyang damdamin, magsa-suffer ang ating bansa. Kasi hindi natutukan ang mga problemang ito ng pangulo. False loyalty yun sa ating bansa,” pahayag ng butihing Pastor.

“Mali kayo doon sa interpretasyon ninyo. Mali ba ‘yun sabihin naming bakit hindi nabanggit ng Pangulo yung mahahalagang bagay na yun? Mali ba yun? Naging kalaban ko na ba ang gobyerno dahil don? O ako ang nagmamalasakit sa gobyerno? Pag ako kumontra sa CPP-NPA-NDF nagmamalasakit ako sa gobyerno. Sino ang dapat unang magmalasakit? Ang gobyerno ang dapat unang magmalasakit sa amin,” ayon kay Pastor Apollo.

“Baka ako nagmamalasakit private citizen lang ako, mahal ko ang Pilipinas, mahal ko ang Pilipinong inaapi api ng CPP-NPA- NDF. mahal ko ang Pilipinong hindi babagsak sa droga,” ani Pastor Apollo.

Dagdag pa ni Pastor Apollo, kung ganitong klaseng interpretasyon ang mayroon ang iilan, nasa ignorant democracy pa rin ang pag-iisip ng mga ito.

“’Yung interpretasyon ninyo, ang tawag ko sa inyo, ignorant democracy pa rin kayo. Ang amin dito intellectual democracy, patriotism, and some sense of national pride na ang ating bansa kailangan mawala ang mga salot na to,” diin ni Pastor Apollo.

“Ang SMNI kontra na pala sa gobyerno, kontra na pala kay Pangulo.” Naku! Tingnan n’yo ang kababaw ng mga utak n’yo. Paano kayong aasahan ng bansa kung  ganyan ang pag-iisip ninyo? Kung ganyan ang takbo ng utak ninyo? Hindi kayo tumututok sa isyu eh,” aniya pa.

Samantala, sinabi rin ni Pastor Apollo na masaya ito noong nagsasagawa ng town hall meeting si Pangulong Marcos dahil nakikitang nais nitong maramdaman ang pulso ng tao.

“Ang unang kailangang tumutok sa national interest, ang Pangulo. Kaya ang Pangulong Bongbong Marcos, masaya ako noong nagco-conduct siya ng town hall meetings. Gusto niya malaman ang pulso ng tao, hindi siya pumunta doon sa debate debate na walang kabuluhan ng ibang mga network. Pumunta siya sa townhall meeting, gusto niyang maramdaman ang pulso ng tao ang peace and order,” dagdag ni Pastor Apollo

“Kung wala tayong peace and order hindi tayo malayang makakilos. Hindi uusbong ang ating bansa. Dapat turuan mo ba ang presidente ng ganoon? Alam ng presidente yun kung naging presidente ka,” dagdag ng butihing Pastor.

Kaya naman muling binigyang-diin ng butihing Pastor na hindi ito kontra sa administrasyon.

“Anong naging kontra tayo? Tayo nga ang nagmamahal sa bansang ito, naging kontra na tayo? Kayong mga supporters ng ating Pang. Bongbong, wag ninyo kaming papag-awayin. False loyalty ‘yung sa inyo, false loyalty,’ ayon kay Pastor Apollo.

“Kung sa Bible pa ito ang sinasabi, kung kayo nasakitan man sapagkat nakulangan ako at ibang tao sa SONA na hindi nabanggit ang tungkol dito, na pinakamahalaga, nasaktan kayo pero totoo naman yung sinasabi ko dahil yan ang pulso ng bayan, ano? The wounds of a friend are better than the kisses of the enemy,” aniya pa.

Sinabi rin ni Pastor Apollo C. Quiboloy na ayaw nitong magkamali sa pagsuporta kay PBBM kaya tutulungan nito ang bagong pangulo.

“We want the president to succeed. But how can you succeed without peace and order? Kung hindi tayo matindi doon. I hope na nalinawan kayo sa bandang ito. Kaya kayong mga false supporter, false interpreter ng mga bagay na ito, mali kayo sa inyong mga false interpretation patungkol dito sa sinabi ninyo,” saad ng butihing Pastor.

Matatandaang all out ang suporta ng butihing Pastor at ng SMNI noong nangangampanya pa ito.

“Yun ang mga solusyong hinahanap natin. kung hindi niyo inaddress yun, ay nagkamali pala tayo? I don’t want to think I made a mistake. I don’t want to think that. I supported this president. SMNI supported the president all throughout his campaign. kaya false loyalty yung mali yung interpretasyon niyo dito,” ayon sa butihing Pastor.

 

Follow SMNI News on Twitter