BUMUO ng higher committee ang emirata ng Dubai para sa digital economy nito.
Nagbuo ng higher committee ang Dubai para sa teknolohiya at digital economy kasabay ng nais nitong maging isang global hub ng maunlad na ekonomiya sa hinaharap.
Ang goal ng bagong ahensya na ito ay ipakilala pa ng lubos ang kasanayan ng dubau sa digital economy sa buong mundo.
Ayon kay Sheikh Hamdan na magiging chairman ng nasabing committee, inihahanda nito ang Dubai upang maging isa ito sa top 10 metaverse economies.
Ang komite na ito na binubuo ng walong myembro ang mangunguna ng implementasyon ng mga istratehiya na may kaugnayan sa teknolohiya sa Dubai.
Nilalayon nitong hubugin ang hinaharap ng dubai sa artificial intelligence sa pamamagitan ng pag-iinvest sa metaverse at pagtatatag ng mga ugnayan sa digital economy ng Dubai.
Ang hakbang na ito ay matapos ianunsyo ni Sheikh Hamdan ang dubai metaverse strategy nito na naglalayong gumawa ng apatnapung libong trabaho at magdagdag ng apat na bilyong dolyar sa ekonomiya ng emirata sa susunod na limang taon.