MATAPOS ang viral basketball game ni Pastor Apollo C. Quiboloy, sa golf course naman siya nag-enjoy sa paglaro.
Sino ang makakapagsabi na sa edad na 72 years old ay ganito maglaro ng golf si Pastor Apollo ng Kingdom of Jesus Christ.
Nag-enjoy sa paglaro sa golf course si Pastor Apollo kasama sina dating National Security Adviser Hermogenes Esperon sa Tamayong, Calinan, Davao City.
Sa Davao City matatagpuan ang hindi basta-bastang golf course dahil sa terrain nito.
Pero hindi alintana ito kay Pastor Apollo dahil pagdating sa larong golf aba’y hindi siya magpapatalo.
Magugunitang nag-viral ang paglaro ni Pastor Apollo ng basketball kung saan nagkamit ito ng 28-3 point shots, 4-2 points at 8 assists.
Sa ngayon umabot na sa 4 million views and counting ang viral video na ito sa Facebook page ni Pastor Apollo.