P4.7-B investment deal sa Unilever, iuuwi ni PBBM mula Belgium

P4.7-B investment deal sa Unilever, iuuwi ni PBBM mula Belgium

NASELYOHAN na ng Pilipinas ang P4.7-B na investment deal mula sa multinational company na Unilever sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Brussels, Belgium.

Nangyari ang close deal sa meeting ni Pangulong Marcos sa mga opisyales ng Unilever sa pangunguna ni Matt Close, presidente ng nasabing global business group.

Ayon kay Close, ang investment nila sa Pilipinas ay pagkilala nila sa bansa bilang strategic location sa mga mamumuhunan.

Nagpasalamat naman si Pangulong Marcos sa Unilever sa matagumpay na negosasyon nito sa bansa.

Bukod sa Unilever, selyado na rin ang P1.5-B investment deal ng Pilipinas sa French shipbuilding firm OCEA S.A. para magtayo ng shipyard sa bansa.

Dahil diyan, asahan ang 500-600 direct jobs na mabubuo dahil sa deal.

May commitment din ang kumpanyang Acciona kay Pangulong Marcos na nasa linya ng infrastructure para maglagak ng puhunan para sa tinatarget na renewable energy ng Pilipinas.

Ang isa pang European company na Semmaris, nagpahayag din ng intensiyon para makapagpatayo ng agro-logistics sa New Clark City.

Ang kumpanya ay konektado sa wholesale market para sa fresh food products at target na maitaguyod ang local production nito sa Pilipinas.

Follow SMNI NEWS in Twitter