Umaasa si Pastor Apollo C. Quiboloy, ang chairman ng Sonshine Media Network International (SMNI), na ive-veto ni ng Pangulong Rodrigo Duterte ang budget na naipagkaloob sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) pagkatapos ang bicam.
“Sana ang pangulo natin, ang pangulong Duterte, i-ve-veto ito pagdating sa kanyang lamesa at hindi aprubahan kung hindi ibabalik ang original budget o kaya dadagdagan pa,” aniya.
Nagtapos na ngayong araw ng Miyerkules, December 15 ang bicam ng Senado at Lamara para sa Php 5.024 trillion na panukalang pondo para sa susunod na taon.
Isa sa mga sinubukang maayos sa bicam ay ang malaking tapyas na ginawa ng Senado sa pondo ng NTF-ELCAC.
Mula sa Php28 billion proposed budget ay Php10.8 billion lamang ang ipinagkaloob ng Senado, base sa kanilang ipinasang budget bill.
Pagkatapos ng bicam, ay naitaas lamang ito sa Php17.1 billion pesos sa kabila ng apela ng marami, kasama na ang pangulo.
Kasunod nito ay ang negatibong reaksyon mula kay Pastor Apollo na mula pa noon ay suportado ang task force. Masakit para sa butihing pastor na mabigyan lamang ito ng kakarampot na pondo.
“Tatandaan namin ang mga mukha at pangalan ng mga senador at mga kongresistang umayaw na isauli ang budget ng NTF-ELCAC. We will campaign against you because you are against us. You are against the poor people of the Philippines,” ani Pastor Apollo.
“We will be against you also. We will not put you into power anymore, we will pray to God, I as an Appointed Son will pray to God that you will not have the same convenience of power because you are not deciding for the people and for the people’s welfare,” dagdag niya.
Dahil na rin sa naging kinalabasan sa bicam ay may naging katanungan butihing pastor kung bakit napakahirap sa mga mambabatas na maibalik ang panukalang pondo ng NTF-ELCAC.
“What is the logic behind it? Is it because you have nothing for yourself? You have nothing for your own self-interest? You have no kickback for it? I am not accusing you, I am just finding the reason why,” giit ni Pastor Apollo.
“For me, if I am a senator or a congressman, it’s very easy for me to decide for the welfare of the people, (pero) bakit naghihirap kayo? Bakit ganito kahirap para isauli lang ang budget?” dagdag ng butihing pastor.
Matatandaan na sinabi ni Pastor Apollo na kung siya ang tatanungin ay Php100-Php200billion na budget ang dapat maibigay sa task force para sa Barangay Development Project nito sa mga mahihirap na kanayunan.
Ito aniya ang tatapos sa mahabang laban ng bansa sa insurhensya.