Orihinal na 2022 proposed budget ng NTF-ELCAC, ipinababalik ni Pangulong Duterte

IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangang maibalik ang orihinal na 2022 proposed budget ng NTF-ELCAC.

NTF-ELCAC proposed budget

Sa isang event sa Zamboanga, sinabi ng Pangulo na dapat maibalik ang tinapyas na pondo sa Task Force na nakatutok sa Whole of Nation Approach laban sa CPP-NPA-NDF.

Bukod dyan, nais rin ng Pangulo na palitan na ang mga senador.

“Now Congress, wa ko kasabot ani (I don’t understand it). Puwede ba palitan ninyo ‘yung mga senador? [applause] Wala talaga eh. Sila ‘yung naga… Itong original na — I think it was 19 billion — [28?] [Official: Billion.] Tapos oo, bilyon-bilyon. Tapos ito gituli nila. Wala na. So kailangan ma-restore ‘yan,” pahayag ng Pangulo.

Nitong nakaraang buwan, P24 billion ang tinapyas ng Senado mula sa naunang P28 billion na request ng executive department para sa NTF-ELCAC.

Kinuwestyon rin ng mga senador ang absorptive capacity ng Task Force dahil sa mga hindi pa natatapos na mga proyekto nito sa kabila ng malaking budget.

At dahil binawasan ang pondo ng Task Force, nag-aalangan si Pangulong Duterte na magretiro sa pulitika at nagpasyang tumakbo sa pagka-senador sa susunod na taon.

“Ako nagadalawang isip ko, gusto ko talagang mag-retire. Pero the things evolving now, if we go with the same kanang mga tao, ilang mindset na — wa’y mahitabo. You have to elect new leaders high time. Alisdi ninyo. Tinuod. If you elect the same, wala gyu’y mahitabo. Istorya lang na. Imbestigasyon nga walay — wala’y tunong, basta lang kumalkal diyan at makapag-ano sa — maski’g wala gud. Mangita og anomalya nga wala man pud. If there is no anomaly, they will create the anomaly for you and stretch the whole of the Senate’s time for your personal appearance,” ayon pa ni Pangulong Duterte.

BASAHIN: Pangulong Duterte, dismayado sa pagtapyas ng pondo ng NTF-ELCAC

SMNI NEWS