BINIGYAN linaw ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Barangay Development (BDP) Project Director Monico Batle na walang anomalyang nangyayari sa pondo ng Barangay Development Program (BDP).
Aniya, hindi nagkulang ang NTF-ELCAC sa pagbibigay ng impormasyon sa mga proyekto ng BDP.
Pinasinungalingan Dir. Batle ang mga akusasyon ng iilan sa mga mambabatas na walang mga report sa mga nangyayaring proyekto ng NTF-ELCAC bagay para maisulong na matapyasan ang budget nito.
Sa Programa ng Laban Kasama ang Bayan ng SMNI, ay pinatunayan ni Batle na mali ang mga akusasyon ng mga senador na wala umanong isinusumiteng mga ulat sa paggamit ng pondo ng BDP.
Sinagot din ni Batle ang mga akusasyon ng ilang mga senador na gagamitin lang daw ang budget ng NTF-ELCAC sa pamumulitika, na kung iyong pagbabasihan ang karamihan na makikinabang sa mga proyektong ito ay hindi kwalipikado para maging botante dahil karamihan sa mga ito ay katutubo.
Samantala, bago pa man magkaroon ng Senate budget hearing sa plenaryo noong Nobyembre 11 ay dalawang beses nang nakapagbigay ng report si Batle sa Senado partikular na kay Senador Angara.
Ani Batle, kung dati-rati ay quarterly ang pagsusumite ng report sa mga proyekto ng BDP, ngayon ay kada may gagawin para sa development projects ang NTF-ELCAC ay agad na nila itong inirereport.
Ipinakita rin ni Batle ang malinaw na batayan sa pinaglalagyan ng budget ng NTF-ELCAC sa mga development reports nito.
Ayon nga kay Batle, walang dahilan para tapyasan at kunan ng budget ang NTF-ELCAC para sa COVID-19 dahil maaari namang gumawa ng Bayanihan 4.
Dagdag pa rito ay matagumpay naman ang programa ng NTF-ELCAC na hindi makatwiran para bawasan ito.
